State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, on July 28, 2014]
http://www.gov.ph/2014/07/28/president-aquino-iii-fifth-sona/
Bise Presidente Jejomar Binay; dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M. Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan:
Magandang hapon po sa inyong lahat.
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw:
Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong “Sick Man of Asia.” Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.
Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isa’t isa, humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili.
Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.
Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga lumilitaw sa kasalukuyan—obligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel. Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestiyon, at kritisismo—at dapat sagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung minsan, nagkakaroon din ng agam-agam.
Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat nitong tuon—ang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon. [Palakpakan]
‘Di po ba’t may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa nito ay ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos. Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66 percent po nito—o katumbas ng 146,731 graduates—ang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin. [Palakpakan]
Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 pesos ang naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang 18,000 piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000 pesos. Ibigay man ang maximum tax deduction, ang magiging income tax niya kada taon: 7,900 pesos. Ibig-sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155 pesos, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang lahat ng ibubuwis ng ating scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng parehong pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala [Palakpakan]: May tama pong intensyon, pamamaraan, at resulta. Lahat panalo.
Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA graduate:
“‘Pag naabot mo na ‘yong pangarap mo—success, hindi naman stable ‘yon e. You need to work hard for it.
“Ako po si Marc Joseph Escora. Ako po ay isang high school graduate. And through TESDA’s help, I have my career in the BPO [business process outsourcing] industry right now.
“I stayed in Libertad public market for seven years. Nagba-barker po ako. Hindi kaya ng pamilya ko na pag-aralin kami nang sabay, so I need to find another way para makapagtapos ako.
“Most important thing na natutunan ko is ‘yung confidence to interact with other people. ‘Pag nakita ka ng tao na may kapansanan ka, hindi na nila ni-look forward ‘yung ability mo ba. Kailangan lang natin ng tiwala sa sarili.
“If TESDA is not there to help out, siguro wala rin ako ngayon kung nasaan man ako ngayon. ‘Yung way of living namin, masasabi kong mas okay siya compared noong dati.”
- Marc Joseph Escora, TESDA beneficiary [panoorin ang video]
“Dahil sa TESDA, napabilis ‘yung pag-aaral ko, paghahanap ko ng trabaho, at ang pagtulong ko sa pamilya ko.
“Ako po si Jonnalyn Navarossa, Technical Trainer ng Toyota Motor Philippines. Ako po ‘yung naging overall topnotcher ng batch 1 sa automotive servicing sa TESDA Region 8. Napili ko po ‘yung automotive servicing kasi po pangarap kong maging isang mechanical engineer. So para makapagtrabaho’t magkapag-ipon, nag-TESDA po ako.
“Nakasanayan na po natin na ang auto mechanic ay trabahong panlalaki lang. Pero napatunayan ko na basta masipag at determinado, magkakaroon tayo ng dekalidad na produkto. Dahil sa TESDA, tumatak po sa akin ang kahalagahan ng dekalidad at mahusay na pagtatrabaho. Mas tumaas ‘yung tiwala ko sa aking sarili, at mas masarap nang mangarap nang malaki.”
- Jonnalyn Navarossa, TESDA beneficiary [panoorin ang video]
[Palakpakan]
Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong Hunyo 2014, na may pondong 12.3 billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado hanggang umabot ng 18 taong gulang ang benepisyaryo. May magtatanong, “Bakit?” Batay po kasi sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, 40 percent ang dagdag na sinasahod ng high school graduate, kumpara sa grade school lang ang natapos.
Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa: ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng datos ng NEDA. Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty incidence natin sa unang semester ng 2012, bumaba patungong 24.9 percent sa kaparehong panahon noong 2013. Ang three percentage points pong ito ay katumbas ng halos 2.5 milyon na Pilipinong nakaalpas na sa poverty line. [Palakpakan] Totoo namang dapat pagtuunan ng masusing pansin ang pinakamahihirap sa lipunan. Pero hindi tayo titigil diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap nating hindi na manumbalik sa ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas na. [Palakpakan]
Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi natin malisan. Ang malala pa dito, halos wala tayong kagamitan at materyales para ayusin ang sira. Nitong mga nakaraang taon, sa pakikiambag ng bawat mapagkapwang Pilipino, nabubuo na natin ang mga kagamitan at materyales na ito—tulad po ng budget na tanging nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan, at apat na sunud-sunod na taon na nating naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang mga batas na nagpapabilis ng pagdating ng pakinabang sa atin pong mga Boss.
Dito po—sa isang patas na sistema—nagsimula ang panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya. Nakatipid tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo. Napapalawak natin ang saklaw ng mga serbisyo nang hindi nagtataas ng buwis, maliban sa Sin Tax Reform na layuning ibsan ang bisyo sa lipunan. [Palakpakan]
Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang tustusan ang mga proyektong ipinatupad, ipinatutupad, at ipatutupad pa natin. Pinaigting natin ang pangongolekta ng buwis: mula sa koleksyong 1.094 trillion pesos noong 2010, naitaas na natin ito sa 1.536 trillion noong 2013. [Palakpakan] Inayos natin ang pamamahala ng ating mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt to GDP ratio; ang perang dating dapat ibabayad sa interes, napupunta na sa social services. Pati ang mga obligasyong karamihan ay minana lang, natugunan din natin. Halimbawa po nito: 1993 pa po o panahon pa ni Pangulong Ramos nang itinakda ang obligasyong i-recapitalize ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa halagang 50 bilyong piso para magawa niya ang kanyang tungkulin. Ang napondohan ni Presidente Ramos, 10 bilyong piso, at hindi na nadagdagan pagkatapos noon. 40 bilyon ang kakulangang iniwan sa atin; nabayaran na po natin ito. [Palakpakan]
Pinaghirapan natin ang pondong mayrooon tayo ngayon, kaya’t hindi po natin maaatim na waldasin lang ito. Kung pipili nga ng tamang pinuno ang ating mga Boss, malalagpasan pa ng susunod ang ating mga nagawa, dahil malaki na ang naibawas natin sa problema, at mas matayog na ang kanilang pagmumulan.
***
Gabi-gabi po, bago ako matulog, thank you at nakalampas pa ako ng isang araw. Kung, sabi nga noong bata kami, “finish or not finish, pass your paper” eh dumating na sa akin, palagay ko naman, naramdaman na ninyo kung anong pagbabagong karapatan ng bawat Pilipinong mangyari. At bahala na kayong ituloy ito. [Palakpakan]
Mga Boss, kayo ang gumawa ng transpormasyong ating tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy ng lahat ng positibong pagbabagong naabot natin. Buong-buo ang tiwala ko, nasa eksena man ako o wala, tutungo ang Pilipino sa tama niyang kalalagyan.
Kaya, hanggang dito na lang po ako. Magandang hapon po sa lahat. Maraming salamat sa inyo. [Palakpakan]